^

Punto Mo

Uok (33)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI siya maaaring mag­kamali. Ang babaing kaharap ang matagal na niyang hinahanap! Ang anak ni Uok!

Ibinaba ni Drew ang pa­ningin para hindi siya mahalata ng anak ni Uok. Kunwari ay nagbabasa siya ng libro. Pero ang pakiramdam at paningin niya ay nakasubaybay sa anak ni Uok.

Muli niyang iniangat ang paningin para tingnan ang anak ni Uok. Siya nga. Hindi makapagkakaila. Mas maganda pala sa malapitan ang babae. Makinis na makinis ang kutis. Pinasadahan niya ng tingin ang mga braso. Maputi. Halatang malambot ang kutis kapag hinipo.

Muli niyang ibinaba ang tingin at baka siya mahalata. Kunwari ay nagbabasa siya ng libro pero nakikiramdam siya sa babae.

Natatandaan kaya siya ng babae? Kasi’y imposibleng hindi siya nakita noong magdaan ito sa gilid ng bahay ni Tiyo Iluminado. Nagkukuwentuhan sila ni Tiyo Iluminado nang dumaan ang babaing ito. Baka natatandaan siya pero dedma lang. Imposibleng hindi matandaan dahil silang dalawa lang ni Tiyo Iluminado ang nag-uusap noon.

Saan kaya bababa ang ba-baing ito? Tiningnan ni Drew ang oras sa relo. Mag-aalas onse ng umaga. Dalawang oras pa bago ang kanyang klase. Masusundan pa niya ang babaing ito kung saan man pupun-ta. Nakasibilyan lang ang ba­bae. May dalang handbag. Hindi    sa school ang punta dahil bag lang ang dala. Baka magsa-shopping. O baka naman ma­kikipagkita kung kanino.

Hindi pa nagbabayad si Drew. Mamaya na lang siya magbabayad kapag bababa na ang babae. Hanggang Quiapo lang ang sinasakyang jeepney kaya kabisado niya ang pamasahe.

Pagdating sa kanto ng Espana at P. Noval ay pumara ang babae. Hindi tiningnan ni Drew. Nang bumababa na ang babae ay saka nagbayad at bumaba na rin.

Nakita niya na mabilis na tumatawid ang babae sa España. Tumawid din siya. Nag­lakad ang babae sa direksiyong patungo sa Morayta St. Sinundan niya. Mabilis maglakad.

Hanggang sa makara-ting sa Morayta. Tumigil ang babae sa tapat ng isang res­taurant. Kakain pa yata. Pero nagbago ng isip. Ipinagpatuloy ang paglalakad. Nakabuntot si Drew. Hindi niya hahayaang makawala ang babae.

Tumigil sa tapat ng book­store ang babae. Puma­sok doon. Pumasok din si Drew.

Nagtungo sa Filipiniana Section ang babae. Delikadong makita si Drew kung doon din siya tutungo. Baka makahalata na. Pero kaila-ngang may mangyari na.

Nag-isip ng paraan si Drew kung paano makakausap ang babae. (Itutuloy)

 

vuukle comment

BABAE

DREW

FILIPINIANA SECTION

PERO

SHY

SIYA

TIYO ILUMINADO

UOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with