^

Bansa

PANOORIN: Rodrigo Duterte, kayang humarap sa paglilitis — ICC

Philstar.com

MANILA, Philippines — Bigo ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na umiwas sa pagharap sa kaso dahil sa kanyang 'di umano'y humihinang kalusugan.

Napagpasyahan ng International Criminal Court (ICC) na fit to stand trial si Duterte kaugnay ng kasong crimes against humanity of murder, ayon sa desisyong isinapubliko noong Oktubre 8.

"THE CHAMBER IS SATISFIED that the Accused is able to effectively exercise his fair trial rights in the proceedings and is therefore fit to stand trial," sabi sa desisyon.

Ayon sa ICC, kayang intindihin ni Duterte ang mga proseso sa korte at kaya rin niyang gamitin ang kanyang mga karapatan sa patas na paglilitis, sa kabila ng mga isyu kaugnay ng kanyang kalusugan.

Ibinasura rin ng ICC Trial Chamber III ang hiling ng depensa na magsagawa ng mga karagdagang medical examinations at kuwestiyunin ang panel ng mga eksperto na sumuri sa kakayahan ni Duterte na humarap sa paglilitis.

Ibinatay ng chamber ang kanilang desisyon sa mga ulat ng panel ng tatlong medical experts na sumuri kay Duterte at nagsumite ng kanilang reports noong Agosto 21.

Nahaharap si Duterte sa tatlong bilang ng crimes against humanity kaugnay ng kanyang madugong kampanya kontra droga mula 2013 hanggang 2018, noong Davao City mayor siya at pangulo.

Nakatakdang magsimula ang kanyang trial sa Nobyembre 30, 2026.

—
Ulat mula kay Kristine Daguno-Bersamina
Script by Geraldine Santos
Voiced by Martin Ramos
Edited by Hannah Santos

DUTERTE ICC TRIAL

ICC

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with