^

Bansa

Duterte ‘fit to stand trial’ - ICC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Duterte ‘fit to stand trial’ - ICC
Photos courtesy of the International Criminal Court show former president Rodrigo Duterte during his first in-person appearance before the tribunal since his arrest in March 2025.
Photos / ICC | via Janvic Mateo

MANILA, Philippines — Inihayag ng International Criminal Court (ICC) na karapat-dapat si dating Pangulong Rodrigo Duterte na humarap sa paglilitis kaugnay ng kinahaharap niyang kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon.

Sa desisyong may petsang Setyembre 28 ngunit inilabas sa publiko noong Oktubre 8, sinabi ng ICC Trial Chamber III na kumbinsido itong “fit to stand trial” si Duterte.

“Accused is able to effectively exercise his fair trial rights in the proceedings and is therefore fit to stand trial,” nakasaad sa desisyon.

Ayon sa korte, batay ito sa mga pagsusuri at medical tests na isinagawa ng isang independent panel of experts, gayundin sa mga isinumite ng depensa at prosekusyon.

Nakasaad sa ruling na may kakayahan si Duterte na maunawaan ang mga kasong isinampa laban sa kanya, ang layunin at posibleng kahihinatnan ng mga paglilitis, at ang mga ebidensyang ihaharap sa korte.

Napag-alaman din ng mga eksperto na kaya niyang subaybayan ang takbo ng mga pagdinig at magbigay ng wastong instruksyon sa kanyang mga abogado para sa paghahanda ng kanyang depensa.

Tinanggihan din ng Trial Chamber ang kahilingan ng depensa para sa karagdagang medical examination, pati ang hi­ling na kuwestiyunin ang panel of experts at ang kanilang naunang mosyon para sa oral hearing.

Nakatakdang magsimula ang paglilitis sa kaso sa Nobyembre 30. (Malou Escudero) Dumalo si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) nitong Biyernes para sa nakatakdang arraignment sa kasong grave threats laban sa kanya, ngunit muli itong ipinagpaliban dahil sa mga nakabinbing mosyon ng kanyang kampo at petisyon sa Korte Suprema.

Ayon kay Atty. Paul Lawrence Lim, ipinagpaliban ang arraignment dahil hinihintay pa ang resolusyon sa mosyon para muling pag-isipan ng korte ang naunang pagtanggi nito sa hiling na mag-inhibit ang nakatalagang hukom sa kaso. May nakabinbin din aniyang petisyon para sa certiorari sa Korte Suprema kaya minabuti ng hukom na huwag munang ituloy ang pagbasa ng sakdal.

Nagtakda ang korte ng panibagong petsa ng arraignment na hindi na isinapubliko alinsunod sa alituntunin ng sub judice.

Ang kaso ay nag-ugat sa mga pahayag ni Duterte sa isang online press conference noong 2024 kung saan sinabi niyang mayroon na siyang nakausap na tao upang patayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at noo’y House Speaker Martin Romualdez sakaling may mangyari sa kanya.

Noong Setyembre 4, naglabas ang QC RTC ng warrant of arrest laban kay Duterte kaugnay ng tatlong bilang ng grave threats. Nagpiyansa siya kinabukasan.

ICC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with