^

Probinsiya

2 bebot utas sa ambush sa Central Mindanao

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY , Philippines — Dalawang babae ang patay sa magkahiwalay na insidente ng ambush sa Datu Saudi Ampa­tuan, Maguindanao del Sur nitong Huwebes ng hapon at sa Midsayap, Cotabato nitong umaga ng Biyernes.

Unang napatay ng mga armadong kalalakihan nitong Huwebes sa Barangay Salbo, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur matapos pagbabarilin si Aloha Sandigan, na kaangkas sa isang motorsiklo ni Esmael Ebus, na malubhang nasugatan sa naturang insidente.

Sa ulat nitong Biyernes ni Maguindanao police director Col. Roel Sermese, mabilis na nakatakas ang mga bumaril sa dalawa habang padaan sa isang bahagi ng highway sa Barangay Salbo, hindi kalayuan sa munisipyo ng Datu Saudi Ampa­tuan.

Ang insidente ay sinundan ng pagkakapatay kay Mary Jane Quimot Macunan sa isa ring pananambang nitong madaling araw ng Biyernes sa Lapu-Lapu Street, Barangay Poblacion, Midsayap, Cotabato na nagsanhi ng pagkasugat ng kanyang live-in partner na si Anthony Mariano.

Ayon kay Lt. Col. John Miridel Calinga, hepe ng Midsayap Police Station, magkaangkas sa motorsiklo sina Macunan at Mariano pauwi sa kanilang tahanan nang pagbabarilin ng mga armado habang padaan sa isang bahagi ng Lapu-Lapu Street.

Katulad nang naganap na ambush nitong Huwebes sa hindi ka­layuansa Barangay Salbo sa Datu Saudi Ampatuan, mabilis ding tumakas ang mga nag-ambush sa maglive-in partner na sina Macunan at Mariano.

vuukle comment

MARY JANE QUIMOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with