^

Probinsiya

Dalagita, nasawi sa sunog sa Morong

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang dalagita nang makulong sa loob nang nasusunog nilang tahanan sa Morong, Rizal kamakalawa ng hapon.

Kinilala lamang ang biktima sa alyas na ‘Amira,’ 14, at residente ng Brgy. San Juan, Morong.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ng Morong Municipal Police Station na dakong alas-5:00 ng hapon nang magsimulang sumiklab ang apoy sa tahanan ng biktima.

Nadiskubre na lamang ang nakadapang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang silid habang nagsasagawa ng clearing operation ang mga awtoridad matapos na maapula ang sunog dakong alas-5:20 ng hapon.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang halaga ng mga ari-ariang naabo sa sunog at ang pinagmulan ng apoy.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with