^

Probinsiya

Hepe ng LTO-Calabarzon na idinawit sa kotong, umalma

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Hepe ng LTO-Calabarzon na idinawit sa kotong, umalma
This photo shows an office of the Land Transportation Office.
STAR / File

LAGUNA, Philippines — Matapos ang ilang araw ng kontrobersyal na isyu na umuga sa loob ng ahensya, binasag ni Land Transportation Office-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) regional director, Cupido Gerry Asuncion ang kanyang pananahimik dahil sa umano’y pangingikil na inihain ng grupo ng mga bus operators at drivers sa harap ng Presidential Action Center noong Marso 7.

Sa panayam ng PSN sa telepono kay Asuncion, mariin niyang itinanggi ang akusasyon ng pangingikil at sinabing mayroong grupo ng mga indibidwal ang nasa likod ng pagsira sa kanyang kredibilidad at pinondohan ang smear campaign o demolition job laban sa kanya.

“Ginamit nila ang mga bus operators para magsampa ng maling ­reklamo sa Presidential Action Center para ­siraan ang reputasyon ko bilang LTO-Calabarzon director,” ayon kay Asuncion.

Tumanggi si Asuncion na magpahayag ng iba pang detalye tungkol sa kampanya laban sa kanya, gayunpaman, sinabi niya na mayroong humigit-kumulang 15 emission centers na pag-aari ng mga indibidwal at mga businessman-politician ang pinasara ng Department of Transportation dahil sa paglabag sa non-appearance activities.

“Wala akong impormasyon kung sino ang nasa likod ng smear campaign, malinis ang budhi ko at hindi ako humingi ng anumang halaga ng pera mula sa mga operator ng bus,” sabi ni Asuncion.

Idinagdag pa niya, na ang mga bus ­operators na naghain ng reklamo ay lumantad upang pabulaanan ang sulat ng pangingikil.

Ayon naman sa mga bus operator na ang kanilang mga pirma na nakalagda sa liham na naka-address kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay peke at huwad.

Sinabi rin ng grupo na ang complaint sheet ay gawa-gawa lamang ng isang tao o indibidwal para sirain ang reputasyon ng butihing LTO regional director.

Sinabi ni Asuncion na naghain na siya ng leave of absence sa Office of Secretary para hindi makaimpluwensya sa isinasagawang imbestigasyon ni Department of Transportation at Office of the LTO Secretary Vigor Mendoza.

vuukle comment

CALABARZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with