^

Probinsiya

Drug suspect sa Rizal, itinumba

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang babaeng drug suspect nang barilin ng ‘di kilalang lalaki sa Taytay, Rizal kahapon ng madaling araw.

Isang tama ng bala ang ikinamatay ng biktimang si Eriza Agub, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Sta. Ana, Taytay habang nakatakas ang suspek na tinutugis na ng mga otoridad.

Batay sa ulat ng Taytay Municipal Police, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Block 5, Purok 4, Lupang Arenda, Brgy. Sta Ana, Taytay. Nakatayo lamang umano ang biktima sa lugar nang lapitan ng suspek at kaagad na binaril sa katawan.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Inaalam na ng mga otoridad kung posibleng may kinalaman sa droga ang krimen dahil mismong ang mga kaanak na nito ang nagsabi na sangkot ang biktima sa naturang ilegal na aktibidad.

vuukle comment

DRUG SUSPECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with