^

Probinsiya

Mag-utol grinipuhan ng senglot na ama

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan and mag-utol na lalaki matapos saksakin ng sariling ama na pinaniniwalaang naburyon kamakalawa ng gabi sa Barangay Sto. Domingo, bayan ng Piat, Cagayan. ?

Naisugod sa Nuestra Señora De Piat District Hospital ang mag-utol na sina Reynulfo Bitus, 23; at Aquilino Bitus, 17 habang pinaghahanap naman ang suspek na si Domingo Bitus, 50, mga nakatira sa nasabing barangay.

Ayon kay PO3 Ariel Simon, nakipag-inuman ang suspek sa dalawang anak sa kanilang bahay bago tinabihan ang misis na noon ay nakahilata sa sahig habang nanonood ng telebisyon.

Inumpisahan ng suspek na senglot na kulitin sa pakikipag-sex ang kanyang misis hanggang mauwi sa mainitang pagtatalo kung saan tinangka ng anak na si Aquilino na awatin ang mga magulang.

Subalit sinaksak ng suspek ang kanyang anak kung saan nakisawsaw na rin ang nagising na panganay na si Reynulfo.?

Matapos ang kaguluhan sa bahay ng pamilya Bitus ay lumabas na duguan ang mag-utol dahil sa mga tinamong saksak sa katawan kung saan mabilis na isinugod sa nasabing ospital bago inilipat sa Cagayan Valley Medical Center kung saan sila nakikipambuno kay Kamatayan. ?

Naglahong parang bula ang suspek habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

ANG

AQUILINO BITUS

ARIEL SIMON

ATILDE

AYON

BARANGAY STO

CAGAYAN VALLEY MEDICAL CENTER

DE PIAT DISTRICT HOSPITAL

DOMINGO BITUS

NUESTRA SE

REYNULFO BITUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with