^

Probinsiya

5 dakma sa buy-bust

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines   â€“ Rehas na bakal ang binagsakan ng limang kalalakihan na sinasabing tulak ng droga matapos itong masakote ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa magkahiwalay na bayan sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Amrex Saripada, Saidami Saripada, kapwa nakatira sa  Area D, Brgy. Sta. Cruz I, San Jose Del Monte City, Bulacan; Angelito David ng Brgy. San Manuel II, Dasmariñas City, Cavite; Lynbert Jacinto ng Brgy. Bayugo; at si Eduardo Alban ng Brgy. Malhacan, Meycauayan City, Bulacan.

Sina Amrex at Saidami Saripada ay dinakma sa Barangay Tigbre sa bayan ng Norzagaray kung saan nasamsam ang ilang sachet ng shabu at dalawang motorsiklo.

Samantala, naaresto naman si David sa Brgy. Bancal, Meycauayan City habang sina Jacinto at Alban naman ay nasakote sa Brgy. Bayugo kung saan nasamsam ang isang supot na pinatuyong dahon ng marijuana.

vuukle comment

AMREX SARIPADA

ANGELITO DAVID

AREA D

BARANGAY TIGBRE

BAYUGO

BRGY

BULACAN

CRUZ I

EDUARDO ALBAN

MEYCAUAYAN CITY

SAIDAMI SARIPADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with