Wanted sa ‘rape’ timbog sa Quezon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Hindi na nakapalag sa kamay ng batas ang isang 34-anyos na lalaking kabilang sa Top 5 Provincial Most Wanted Persons matapos maaresto ng pulisya sa Sitio Pulang Lupa, Barangay Anoling, General Nakar, Quezon kamakalawa ng gabi.
Base sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, kinilala ang akusado na si alyas “John”, residente ng Barangay Minahan Sur, General Nakar.
Isinagawa ng mga tauhan ng General Nakar Municipal Police Station ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 65 sa Infanta, Quezon noong Oktubre 28, 2026, kaugnay ng kasong Rape in Relation to Republic Act 7610.
Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
- Latest





















