^

Probinsiya

Pulis nagbaril sa ulo, dedo

Pilipino Star Ngayon

DAGUPAN CITY, Philippines – May posibilidad na may matinding problema sa asawa at pamilya kaya nagdesisyong magbaril sa sarili ang 32-anyos na pulis sa dalampasigan ng Bonuan Tondaligan sa Dagupan City, Pangasinan kahapon.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Christopher Abrahano, hepe ng Dagupan City PNP, kinilala ang nag-suicide na si PO2 Ariel Frieneza ng Mangaldan PNP at nakatira sa Barangay Malabago sa nabanggit na bayan.

Ang duguang katawan ng biktima ay natagpuan ng dalawang sibilyan na nag­lalakad sa dalampasigan kung saan naisugod pa sa Decena Hospital subalit idineklarang patay dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo.

Huling namataang bu­hay ang biktima na umiinom ng alak noong Sabado ng hapon at humahagulgol dahil sa problemang personal.

Nabatid na ang misis ng biktima ay buntis at kasalukuyang nagpapagaling mula sa hindi nabatid na sakit.

Narekober ng pulisya ang isang Glock 9mm at isang basyo ng bala. The Phil. Star News Service

 

vuukle comment

ARIEL FRIENEZA

BARANGAY MALABAGO

BONUAN TONDALIGAN

CHRISTOPHER ABRAHANO

DAGUPAN CITY

DECENA HOSPITAL

GLOCK

HULING

STAR NEWS SERVICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with