^

Probinsiya

10-anyos naglaro sa duyan, nabigti

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang 10-anyos na batang babae ang iniulat na nasawi makaraang mabigti sa pinaglaruang lubid ng duyan sa kanilang tahanan sa Barangay Malacanang, San Carlos City, Pangasi­nan kamakalawa ng hapon.

Sa phone interview, kinilala ni San Carlos City PNP director P/Supt. Marlon Tayaba, ang nasawing biktima na si Apple de Vera, Grade V pupil at residente sa nasabing barangay.

Sa salaysay ng ama ng bata na si Romulo de Vera, iwanan nilang mag-asawa ang anak habang naglalaro dahil may kailangan silang asikasuhin sa kanugnog na bayan.

Gayon pa man, pagbalik  ng mag-asawa ay madatnan nilang patay na ang anak matapos mapulupot sa leeg nito ang lubid ng duyan.

May teorya naman ang mag-asawa na aksidenteng naitali ng bata ang lubid ng duyan sa leeg dahil mahilig itong sumabit kapag nagla­laro na nagpapaikot-ikot pa ang katawan.

Nagkataon namang walang kasama sa kanilang bahay ang bata kaya walang makapagsabi kung ano ang tunay na pangyayari.

Sa post mortem examination sa bangkay ng bata, lumilitaw na wala namang palatandaang nanlaban o pumalag ang biktima kaya walang  naganap na foul play.

vuukle comment

ASAWA

BARANGAY MALACANANG

BATA

GAYON

GRADE V

ISANG

MARLON TAYABA

NAGKATAON

ROMULO

SAN CARLOS CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with