Mayor, misis nakaligtas sa ambush
- Ni Ed Amoroso () - August 7, 2010 - 12:00am

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang alkalde at maybahay nito matapos pagbabarilin ang kanilang sasakyan kamakailan sa Lucena City.

Ayon kay Sr. Supt. Eli­seo Rasco, CIDG-Region 4-A director, ang nakaligtas sa ambush ay si Mayor Joselito Alega ng San Francisco, Quezon at ang maybahay nitong si Elvira.

Lulan ang mga biktima ng kanilang Isuzu Altera na may plakang NOP-879 at minamaneho ni Ber­ nabe Jorquia at tinatahak ang Maharlika Highway sa Ba­ran­gay Sila­ngan Ma­yao, Luce­na City bandang alas-3:00 ng hapon noong Hu­webes nang biglang paula­nan ng bala ang kanilang sasak­yan ng 3 hindi nakila­lang kala­lakihan.

Mabilis namang pina­takbo ng driver ang kani­lang sasakyan palayo sa na­sa­bing lugar at naka­takas sila sa mga nais pu­maslang sa alkalde.

Himalang nakaligtas ang mag-asawa sa ambush gayundin ang kani­lang driver. Inaalam ng pu­lisya ang motibo ng pana­nam­bang.

AYON ELVIRA HIMALANG ISUZU ALTERA LUCENA CITY MAHARLIKA HIGHWAY MAYOR JOSELITO ALEGA SAN FRANCISCO SHY SR. SUPT
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with