^

Probinsiya

Mag-utol inatado ng kawatan

- Joy Cantos -

BULACAN – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-utol na matandang dalaga sa loob ng kanilang bahay makaraang looban at pagtulungan saksakin ng mga ‘di-kilalang kawatan ka­makalawa ng gabi sa Barangay Balubad, Bula­kan, Bulacan.

Sa pagitan ng alas-9 hanggang alas-10 ng gabi noong Lunes pinaslang ang mag-utol na sina Fredelicta Santos, 79;  at Lutgarda San­tos, 77. 

Ayon kay P/Chief Ins­pector Dale Soliba, hepe ng pulisya, nadiskubre la­mang ang krimen bandang alas-8 ng umaga kahapon ma­tapos maghinala ang mga kaanak ng dalawa na hindi pa nagbubukas ng kanilang tindahan na dati’y maagang ginagawa.

Dahil sa kahina-hina­lang katahimikan ay pina­sok ng mga kaanak ang bahay ng mag-utol hang­gang sa ma­ tagpuan ang duguang bang­kay ng ma­tandang Santos sa sariling kuwarto habang ang naka­ka­batang Santos na­man ay sa palikuran na kapwa sinaksak.

May teorya ang pulisya na pagnanakaw ang isa sa motibo subalit patuloy pa ang imbestigasyon para matukoy ang tunay na motibo. (Dino Balabo)

vuukle comment

AYON

BARANGAY BALUBAD

BULA

CHIEF INS

DALE SOLIBA

DINO BALABO

FREDELICTA SANTOS

LUTGARDA SAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with