^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
Western Union hinoldap
BUTUAN CITY – Naging salot na ang naglipanang holdaper sa Caraga Region dahil maging Semana Santa hinoldap ng dalawang armadong kalalakihan ang sangay ng Western Union sa Brgy. Mangagoy, Bislig City noong Miyerkules Santo ng hapon. Sa naantalang ulat ng pulisya, nagpanggap na kliyente ang dalawang di-kilalang lalaki matapos na pumasok ng Western Union sa Espiritu St. ng nabanggit na barangay. Agad na dinisarmahan ang guwardiya bago tinutukan ng baril ang apat na kawani na sina Joy Avila, cashier; Marilou Rendon; Lusminda Ballescas, branch officer at si Ricardo Escala. Hindi na nakapalag pa ang mga biktima habang nilimas ang halagang P50,000 nasa drawer. Matapos na maisagawa ang krimen ay palakad na nakihalo sa maraming tao ang dalawang holdaper. (Ben Serrano)
4 nalunod sa beach
BATAAN — Hindi nangingilin ang karit ni kamatayan kahit Biyernes Santo makaraang malunod ang apat na kabataan habang naliligo sa naganap na magkahiwalay na insidente sa Balanga City, Bataan. Kabilang sa mga biktimang nasawi ay sina Jester J. Catipun, ng Brgy. Talisay; Rochelle D. Tallera, 15; Daosa F. Alfonso, 13; at si Rica F. Aguinaldo, 13, pawang naninirahan sa Barangay Saguing, Dinalupihan, Bataan. Ayon kay P/Supt. Arnold Gunacao, hepe ng PIIB, si Catipun ay nalunod sa Bethsaida Inland Resort sa Barangay Ibayo na pinaniniwalaang nakaligtaan ng kanyang mga magulang. Samantala, ang tatlo naman ay nalunod sa dam site sa Barangay Saguing, Dinalupihan, Bataan. (Jonie Capalaran)
Ulo, hita ng babae natagpuan
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Takot ang namayani sa dalawang basurero makaraang madiskubre nila ang tsinap-chop na ulo at hita ng isang babae habang naglilimas ng basura ang dalawa sa bakanteng lote sa Barangay Poblacion, Biñan, Laguna kahapon ng umaga. Ayon kay P/Senior Supt. Felipe Rojas Jr., Laguna police director, namumulot ng basura sina Ronnie Sonia at Amparo Castillo sa J.Gonzales St., ng nabanggit na barangay nang matagpuan nila ang pira-pirasong katawan ng babae na nakasilid sa kahon bandang alas-7 ng umaga. Inilarawan ng mga pulis ang biktima na may edad na 30 hanggang 35-anyos, may maitim na buhok hanggang balikat at itinapon may ilang metro ang layo sa AC Theatre. Kasalukuyan nang nakalagak ang parte ng katawan sa Ascention Funeral Homes para sa post-mortem examination. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

AMPARO CASTILLO

ARNELL OZAETA

ARNOLD GUNACAO

ASCENTION FUNERAL HOMES

BARANGAY SAGUING

WESTERN UNION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with