^

Police Metro

Suspension order vs higit 20 NFA personnel inalis ng Ombudsman

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pang-masa
Suspension order vs higit 20 NFA personnel inalis ng Ombudsman
Sinabi kahapon ni Ombudsman Samuel Martires na ang suspension order ay inalis makaraang makita ng mga imbestigador ng kanyang opisina ang ‘erroneous data’ sa listahan na ibinigay sa kanila ng Department of Agriculture (DA), na sinasabing kinuha ang listahan mula sa NFA.
Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Mahigit 20 tauhan ng National Food Autho­rity (NFA) na iniuugnay sa umano’y iregular na bentahan ng rice buffer stock sa mga pinapaborang trader ang inalis ng Office of the Ombudsman sa suspension order.

Sinabi kahapon ni Ombudsman Samuel Martires na ang suspension order ay inalis makaraang makita ng mga imbestigador ng kanyang opisina ang ‘erroneous data’ sa listahan na ibinigay sa kanila ng Department of Agriculture (DA), na sinasabing kinuha ang listahan mula sa NFA.

“Kung may pagkakamali sa listahan na iyan, hindi namin kasalanan iyon. Hindi ko alam kung sino nanloko sa amin,” pahayag ni Martires.

Aniya, ang mga tauhan ng NFA na inalis ang suspensyon ay ang mga warehouse supervisor sa National Capital Region (NCR).

“After conducting initial investigation ng mga imbestigador namin, itong nirekomenda nila na i-lift ang preventive suspension sa mga warehouse supervisors sa Iloilo, Antique, Cabanatuan, basta NCR. Basta mga 23 lahat ‘yun,” dagdag ni Martires.

Bago pa ang pag-aalis sa suspensyon ng 23 em­pleyado, nauna nang inalis ang suspension order ng isa sa mga empleyado ng NFA.

Ayon kay Martires, sinabi ng NFA na inisip nilang ang listahan na hinihingi ay listahan ng mga miyembro ng task force para sa El Niño.

“Ang tanong lang namin, kung listahan ng task force ng El Niño, bakit sinama ‘yung mga kawani na patay na? Ano ‘yung purpose noon? Niloloko niyo ang secretary of Agriculture?.”

Iniimbestigahan na rin umano kung sino ang nasa likod ng listahan.

Matatandaan na sinuspinde ng Ombudsman ang 139 NFA officials at mga tauhan, kabilang si admi­nistrator Roderico Bioco at assistant administrator for operations John Robert Hermano — bilang bahagi ng imbestigasyon nito sa umano’y “disadvantageous” na bentahan ng rice buffer stocks sa mga piling trader.

vuukle comment

NFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with