^

Police Metro

Deadline sa PUJ consolidation ‘di na palalawigin – DOTr

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na palalawigin pa ang December 31 deadline para sa konsolidasyon ng mga public utility jeepneys (PUJs).

Ito ang paninindigan kahapon ng Department of Transportation (DOTr) na ginawa ni Andy Ortega, chairman ng DOTr Office of Transportation Cooperatives, kasunod nang memorandum na inisyu ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong nakaraang linggo na ang mga tradisyunal na jeepneys na mabibigong mag-consolidate ng kanilang prangkisa sa itinakdang deadline, ay papayagan pa ring bumiyahe hanggang sa Enero 31, 2024, sa mga ruta kung saan nasa less than 60 percent ng mga units pa lamang ang consolidated.

Ayon kay Ortega, ang naturang bagong memo ay hindi ekstensiyon ng consolidation deadline, na nagtapos na kahapon, Dis­yembre 31, 2023.

Aniya, sa naturang panahon, bibigyan lamang ang mga PUJs ng due process upang mag-show cause at ipaliwanag kung ano ang nangyari kung bakit hindi sila nakasunod sa deadline.

Matapos ito ay saka ­aniya maglalabas ng desisyon ang LTFRB.

Iniulat rin naman ni Ortega na halos lahat ng jeepneys sa mga pangunahing ruta sa Metro Manila, o yaong may 15 hanggang 20-kilometro ang ruta, ay halos consolidated na.

Ang mga hindi pa naman aniya nagko-consolidate ay yaong mga minor routes lamang.

vuukle comment

PUJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with