^

Police Metro

Ex husband pulitiko Ana, tinutukan na rin ng kutsilyo sa leeg ni Kit

Gorgy Rula - Pang-masa
Ex husband pulitiko Ana, tinutukan na rin ng kutsilyo sa leeg ni Kit

MANILA, Philippines — Mainit pa ring pinag-uusapan ang isyu nina Kit Thompson at Ana Jalandoni, at muli itong pinag-usapan sa nakaraang interview ni Kuya Boy Abunda kay Ana para sa kanyang YouTube Channel na The Interviewer.

Dito nalantad kung sino itong lalaking pinakasalan ni Ana sa Amerika, na pagkalipas ng ilang buwan ay nagkahiwalay rin.

Nabanggit niya sa naturang interview ang pangalang Renan, at sinabi pa niyang taga-Nueva Ecija at tumatakbo ito.

Ang pagkakaalam namin ay tumatakbong Vice Mayor si Renan sa San Antonio, Nueva Ecija at siya rin ang bumuo ng grupong Bespren na naging partner pa niya rito si Arci Muñoz.

Sinubukan naming kontakin si Renan para hingan sana ng pahayag tungkol sa kanila ni Ana, pero hindi pa siya sumasagot as of presstime.

Sinabi naman ni Ana sa interview sa kanya ni Kuya Boy na nagkausap sila ni Renan pagkatapos ng gulong ito.

Sa interview ring ‘yun at inilahad ni Ana ang ilan pang insidente ng ginagawa sa kanya ni Kit bago nangyari ang bugbugan.

May pagkakataong minura raw siya nang husto ni Kit nang biniro lang niya na pupunta na lang siya sa Nueva Ecija na kung saan tagaroon si Renan.

Napaiyak daw siya noon sa matinding pagmumura sa kanya ng aktor.

‘Pag nababanggit daw kasi si Renan, nagagalit agad si Kit. Matindi raw ang selos nito sa dating asawa ng aktres.

May insidente rin daw na tinutukan siya ni Kit ng kutsilyo sa leeg.

Ikinuwento rin ni Ana na nakatikim siya ng malakas na sampal mula kay Kit nung nag-celebrate sila ng birthday ng aktor sa Palawan.

Ang dami raw nilang ginawa sa beach nung araw na ‘yun, kaya kinagabihan pag-uwi raw nila sa cottage ay napasandal lang daw siya sa kama at sandaling naidlip.

Naliligo raw noon si Kit. Pero bigla siyang nagi­sing nang sinampal daw siya ng aktor nang malakas.

“Nagagalit na siya. Sabi niya, birthday ko, tutulugan mo lang ako.’ Gusto lang niya makipag-sex that night.

“Sabi niya; ‘ah ayaw mo makipag-sex sa akin.

“Hindi sa ayaw ko. Pagod lang ako. Ang dami nating ginawa sa beach,” bahagi ng kuwento ni Ana kay Kuya Boy.

Gusto raw niyang lumabas ng kuwarto nung oras na ‘yun, pero pinipigilan daw siya.

Naiiyak na raw si Kit na nagsu-sorry sa kanya dahil inaamin naman daw nitong may anger problem talaga siya.

Iba raw magalit si Kit lalo na ‘pag lasing na ito.

Hindi raw niya magawang iwan noon si Kit dahil mahal niya ito at gusto niya itong tulungan. “Mahal ko eh. Tina-try ko siyang tulungan,” pakli ni Ana.

“I know na may tiwala siya sa akin e, at hindi ko siya pababayaan. Kasi I thought na magbabago talaga siya.

“Sabi ko sa kanya. Kit kailangan mo ng help. ‘Oo nga e, sabi niya,” dagdag na kuwento ni Ana.

Pawang kuwento pa lamang ni Ana ang naririnig natin.

Hindi pa rin nagsasalita si Kit, o kahit ang kanyang legal counsel.

Natanong kamakailan lang ni MJ Marfori si Pia Wurtzbach na kaibigan pala ni Kit.

Ayon kay Pia, nagkausap daw sila ni Kit pagkatapos ng gulong iyon. Ani Pia: “We we’re able to talk already after what happened, and I think, yeah, we’ll just…. it’s a very sensitive topic. But he knows how I feel. I’ve expressed how I feel about it.

“Yup! I hope he can get good advice.”

Sinundan siya ng tanong ni MJ kung ano ang ibinigay nitong payo kay Kit. “I’m not in the position to give any advice because I’m not a lawyer,” safe na sagot ni Pia.

vuukle comment

KIT THOMPSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with