MPD binigyan ni Erap ng 50 E-motorcycle
MANILA, Philippines — Ipinamahagi ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ang nasa 50 electronic motorcycle sa pagdiriwang ng ika-118 anibersaryo ng Manila Police District kahapon.
Umaasa si Estrada na pagbubutihin ng mga pulis ang kanilang trabaho para sa pagsugpo ng krimen sa Maynila at kailangan na tutukan ang kriminalidad upang maging mapanatag ang bawat Manilenyo partikular ang nasa tourist areas tulad ng Luneta at Intramuros.
Ani Estrada, 20 ang iikot sa kahabaan ng Manila Bay 24/7 upang matiyak na walang mga vendors at illegal structures ang mananatili sa lugar.
Ang 50 E-motorycles ay ibinigay ng Peoples Republic of China.
Nasa full alert status ang MPD, bagama’t walang pagbabanta na natatanggap na serious threat.
- Latest