^

Police Metro

Unang umatake noong Pasko... Gang member dedo sa resbak

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang 28-anyos na lalaki na miyembro umano ng True Brown Style (TBS) gang nang barilin ng isang miyembro ng kalabang grupo sa Barrio Obrero, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinila­lang si Richard Tenorio, ng Vizcaya St., Tondo, Maynila bunga ng tinamong tama ng bala sa ulo.

Ang suspek ay nakilala sa mga alyas na  “Ron-ron”, at “Wa”, sinasabing mga residente ng Hermosa, Tondo.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-8:07 ng gabi sa panulukan ng Roxas at Gomez Sts., Bo. Obrero, Tondo ay nakita umano ang dalawang suspek na matagal ng nag-aabang sa nasabing kalye.

Nang dumaan ang nakamotorsiklong biktima sa  lugar ay mabilis na bumunot ng baril ang suspek na si Ron-ron at pinaputukan sa ulo ang biktima na ikinabuwal nito mula sa motorsiklo.

Nang nakabulagta na sa kalye ay malapitan pang pinaputukan ito sa mukha habang si alyas Wa ay pumulot sa basyong bala bago magkasamang tumakas.

Nabatid na rumesbak ang mga suspek dahil noong Pasko sila ay inatake ng biktima.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARRIO OBRERO

BATAY

GOMEZ STS

MAYNILA

NANG

RICHARD TENORIO

RON

TRUE BROWN STYLE

VIZCAYA ST.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with