^

Police Metro

Walang pambili ng gatas... Beybi patay sa dinedeng tubig

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na naisalba ng mga doktor ng Tondo General Hospital ang isang  buwang gulang na sanggol matapos na ito ay mabulunan sa ipinadedeng tubig kahapon ng umaga sa Tondo, Manila.

Ang biktima ay kinilalang si Regine Ramirez ng  2701 Lico St. Tondo, habang isinasailalim naman sa interogasyon ng pulisya ang ama nito na si Rogin, 36.

Sa salaysay ni Rogin, bago niya nakitang walang malay ang anak na sanggol dakong alas-11:15 ng umaga ay pinadede muna niya ito ng tubig matapos na umalis ang misis niya na si Janet para maghanap ng mauutangan ng pera na pambili ng gatas.

 Ayon kay Rogin dahil sa walang gatas ipinasya niyang pade­dehin muna ng tubig ang  sanggol hanggang sa makatulugan niya ito.

Mahigit isang oras na ang nakakalipas nang maalimpungatan si Rogin at dito na niya nakita ang kanyang anak na hindi na gumagalaw kaya’t mabilis niya itong dinala sa nasabing ospital, subalit namatay din ito matapos mabulunan umano ng ipinadedeng tubig.

Magsasagawa nang otopsiya ang mga otoridad upang malaman ang sanhi ng pagkamatay ng sanggol.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

LICO ST. TONDO

MAGSASAGAWA

MAHIGIT

NBSP

NIYA

REGINE RAMIREZ

ROGIN

TONDO GENERAL HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with