^

Police Metro

Sanggol, 2 pa patay sa salpok

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang pampasaherong bus ang sumalpok sa puno sa tabi ng highway na ikinasawi ng tatlong katao kabilang ang isang sanggol kamakalawa sa highway sa bayan ng Aleosan, North Cotabato.

Namatay noon din ang biktimang si Clarita Sereno, 76-anyos habang binawian naman ng buhay sa pagamutan ang konduktor ng bus na si Danilo Daniel at ang 7-buwang sanggol na si Regine Earl Sanson.

Batay sa ulat, pasado alas-10:00 ng umaga ay sakay ang mga biktima ng Bachelor Express sa kahabaan ng highway ng Bgy. Pagangan mula sa Davao City at patungo sa Cotabato City nang mag-overtake umano ito sa isang tractor trailer, subalit  hindi na nito nakontrol ang manibela at tuloy-tuloy na nasalpok ang malaking puno ng acacia sa tabi ng highway.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng matin­ding sugat sa katawan si Sereno na agad binawian ng buhay. Habang isinugod sa pagamutan ang mga nasu­gatang biktima at binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sina Daniel at Sanson.

vuukle comment

ALEOSAN

BACHELOR EXPRESS

BATAY

CLARITA SERENO

COTABATO CITY

DANILO DANIEL

DAVAO CITY

NORTH COTABATO

REGINE EARL SANSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with