^

Police Metro

Ombudsman binalaan government officials sa paggamit ng petrolyo sa private cars

Angie dela Cruz - Pang-masa
Ombudsman binalaan government officials sa paggamit ng petrolyo sa private cars
Motorists refuel at a gas station along East Avenue in Quezon City on February 2, 2026.
STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Binalaan ng Office of the Ombudsman ang mga kawani ng gobyerno laban sa paggamit ng gasolina ng pamahalaan para sa pribadong sasakyan.

Ang babala ay kasunod ng kaso ni dating Bohol 2nd District Provincial Board Member Vierna Mae Boniel-Maglasang.

Sinibak sa serbisyo at tuluyang idineklarang disqualified sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno si Boniel-Maglasang matapos gumamit ng 100 litro ng government-allocated gasoline para sa mga pribadong sasakyan noong 2024.

Binigyang diin ng Ombudsman na ang ginawa ni Boniel-Maglasang ay maginaw na nagpapakita ng intensyong iwasan ang mga itinakdang panuntunan sa accounting at auditing, na nagpapakita ng layuning makakuha ng materyal na pakinabang, pagnanakaw, at korapsyon.

Kaugnay nito, ipinag-utos din ng Ombudsman ang pagbawi sa kanyang mga benepisyo sa pagreretiro.

Binigyang diin ni Remulla, na ang mga gamit at pondo ng pamahalaan ay dapat gamitin lamang sa para sa opisyal na tungkulin.

Ayon kay Remulla, ang mga opisyal ng gobyerno na mapatutunayang nagkasala sa parehong gawain ay haharap sa pinakamabigat na parusa alinsunod sa batas.

GASOLINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with