Ginastos ni VM Respicio sa drug test, ibinalik ni Jonvic
MANILA, Philippines — “Eto na, happy?”
Ito ang ipinost sa social media ni Interior Secretary Jonvic Remulla na kung saan ay ini-screen shot ang P28,011.00 bilang refund sa ginastos na drug test ni Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor Harold Respicio.
Matatandaang nagbahagi si Respicio ng e-wallet QR code at hiniling kay Remulla na i-reimburse ang ginastos niya sa drug testing.
Nagsimula ang usapin matapos magkomento si Remulla tungkol sa umano’y kilos ni Respicio sa isang pagpupulong ng Sangguniang Bayan, na nagdulot ng pahayag mula sa kalihim na tila may kinalaman ito sa paggamit ng ilegal na droga.
Sumailalim sa drug test si Respicio sa St. Luke’s Medical Center Quezon City matapos hamunin ni Remulla kasunod ng viral video ng mainitang pakikipagtalo nito sa mga opisyal ng barangay hinggil sa mga hindi natapos na proyekto para sa mga magsasaka ng tabako.
Lumabas sa resulta na negatibo si Respicio sa methamphetamine, THC, cocaine, ecstasy, benzodia zepines, opiates, propoxyphene at tricyclic antidepressants.
Binati siya ni Remulla sa resulta, bagama’t sinundan ito ng kontrobersyal na pahayag tungkol sa kan?yang pag-uugali na natural ang sayad sa utak.
- Latest


















