Presidential Merit Scholarship, tutulong sa mahuhusay na kabataan — Speaker Dy
MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Kongreso ang ratipikasyon ng Bicameral Conference Committee report para sa Presidential Merit Scholarship Programs Act na isinusulong nina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III at iba pang mambabatas.
Ginagawang batas ang programa upang magkaroon ng tuluy-tuloy na pondo ang mga matatalino ngunit kapos-palad na mag-aaral.
Itinatatag ng panukala ang dalawang programa: ang Presidential Merit College Scholarship Program sa ilalim ng Commission on Higher Education (CHED) at ang Presidential Merit Technical Scholarship Program sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ang benepisyon ay buong saklaw sa matrikula at iba pang bayarin sa eskwelahan, pati na rin allowance para sa libro, internet connectivity, tirahan, transportasyon, at living expenses.
Nakatutok sa agham, engineering, information technology, artificial intelligence, agrikultura, fisheries, healthcare, at specialized teacher education.
Ang kuwalipikado ay ang mga top-performing Senior High School (SHS) o Technical-Vocational-Livelihood (TVET) graduates (kabilang ang mga kabilang sa top ranking o may mataas na General Weighted Average / GWA).
Para sa mga pamilyang kabilang sa mababa hanggang katamtaman ang kita (low-to middle-income), na may taunang gross family income ceiling na hanggang P2 milyon.
Kinakailangan ng mga iskolar na maglingkod sa Pilipinas nang katumbas ng haba ng taon na tinanggap nila ang tulong sa scholarship.
- Latest


















