^

Police Metro

Rep. Atienza kay Pacman: Gumamit ng utak sa laban

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang araw bago ang laban ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao laban kay Chris Algieri ay pinaalalahanan ito ng kanyang mga kaibigan at kaalyado sa Kamara.

Payo ni House Spea­ker Feliciano Belmonte Jr. kay Pacman na huwag maging kampante sa kanyang laban kay Algieri at sa halip ay dapat nitong ibigay ang lahat ng kanyang makakaya.

Kaya sa bandang huli umano ay tiyak naman ang panibagong tagum­pay ng Peoples champ.

Pinayuhan naman ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez, dapat na matulog ng maaga si Pacquiao dahil sa ngayon ay madalas umanong nagpupuyat o pambansang kamao sa pagdadasal.

Para naman sa itinuturing na ama-amahan ni Pacquiao na si Buhay partylist Lito Atienza, na magkasama sa Macau personal umano nitong pinayuhan ang pambansang kamao na magtiwala lang sa sarili at sa diyos.

Bukod dito pinayuhan din umano ni Atienza, ang pambansang Kamao na mag-relax at gamitin ang isip o utak sa kanyang laban upang mapanatili nito ang kanyang titulo.

vuukle comment

ALBEE BENITEZ

CHRIS ALGIERI

FELICIANO BELMONTE JR.

HOUSE SPEA

LITO ATIENZA

NEGROS OCCIDENTAL REP

PACQUIAO

SARANGGANI REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with