^

Police Metro

Nakialam sa away ng magtatay, napatay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kamatayan ang naging resulta ng pakikialam ng isang lalaki sa away ng isang magtatay matapos na siya ay saksakin ng anak na nairita naganap sa Quezon City.

Namatay habang ginagamot sa Novaliches General Hospital dahil sa dalawang saksak sa likod ang biktima na si Federico Calpito Jr., 45.

Nadakip agad ang suspek na si Gio Shay Arquisola, 18, salesman sa SM Novaliches at nakatakdang sampahan ng murder.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-3:00 ng hapon sa harap ng isang pampublikong slaughterhouse sa Amparo Subdivision, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches ay nakita ng biktima na nagtatalo ang suspek at ang tatay nito na si Rogelio.

Dito ay lumapit ang suspek at pumagitna sa away ng magtatay na ikinairita ng batang Arquisola at siya ang pinagbalingan nitong saksakin ng dalawang beses sa likod.

Tumakas ang batang Arquisola at naaresto din sa follow-up operations sa bahay ng kanyang tiyahin.

Sa pahayag ng mga residente, madalas umanong nakikita ang mag-ama na laging nag-aaway sa hindi mabatid na kadahilanan.

vuukle comment

AMPARO SUBDIVISION

ARQUISOLA

BATAY

BRGY

FEDERICO CALPITO JR.

GIO SHAY ARQUISOLA

NAGKAISANG NAYON

NOVALICHES

NOVALICHES GENERAL HOSPITAL

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with