Gilas sisikwat ng panalo vs Syria
MANILA, Philippines — Ilalatag ng Gilas Pilipinas ang buong puwersa nito sa pagharap sa Syria sa pagsisimula ng fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong araw sa Karisma Arena sa Seremban, Malaysia.
Magtutuos ang Gilas Pilipinas at Syria sa alas-8 ng gabi.
Malakas ang lineup ng Nationals na binubuo ng matikas na frontline — ang pinakamatangkad na frontline ng Gilas sa FIBA events.
Nangunguna sa listahan si Kai Sotto na may 7-foot-4 na height kasama sina AJ Edu, Quentin Millora-Brown at Mike Phillips.
“I think it’s one of the most powerful teams we have put together for at least this window, since I’ve been the coach,” ani Gilas head coach Tim Cone.
Ngunit para kay Cone, hindi sapat ang solidong lineup.
Kailangang kumayod ng husto upang makuha ang target nitong panalo.
“But that doesn’t guarantee us anything. It’s not just about size or talent, but we have that great floor, and we have a really high ceiling if we can get everybody together,” ani Cone.
Ito rin ang unang pagkakataon na maglalaro si naturalized player Bennie Boatwright na siyang humalili kay dating naturalized player Justin Brownlee.
Ngunit maganda ang chemistry ni Boatwright kasama ang Gilas.
“It’s really about how we come together and how we play together and what kind of chemistry we develop and the mindset and all those things that go into making a great team,” dagdag ni Cone.
Umaasa si Cone na madadala ng Gilas ang lahat ng mga natutunan nito sa ensayo.
- Latest


















