^

PM Sports

Gilas handa na vs Syria

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Handa na ang Gilas sa tunay na laban si­mula bukas sa krusyal na Window 5 ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers matapos umiskor ng kumbisidong 110-89 panalo sa tune-up game kontra sa Kuala Lumpur Hornbills ng Malaysia.

Dito ay nasukat ni head coach Tim Cone ang kalibre ng bagong naturalized player na si Bennie Boatwright kahit pa limitado lang muna ang naging aksyon.

Sa 1st at 3rd quarter lang sumabak si Boatwright para sa Gilas na nahirapan pang ipagpag ang KL sa 1st half bago kumawala tungo sa pambihirang 21-puntos na tagumpay.

Si Boatwright ang pumalit sa puwesto ni Justin Brownlee na siyang long-time natura­lized player ng Nationals simula pa noong 2023 Southeast Asian Games at Asian Games subalit may iniindang injury.

Bukod kay Boatwright, pasado rin ang pagbabalik nina Mike Phillips at Quentin Millora-Brown matapos hindi makalaro noong nakaraang window kontra sa Jordan at Iran na sa Pilipinas ginanap.

Umalalay ang main core na sina Kai Sotto, AJ Edu, Dwight Ramos, Kevin Quiambao, Scottie Thompson, Chris Newsome, CJ Perez, Juan Gomez de Liaño at Troy Rosario na siyang huma­lili sa injured na si Rhenz Abando.

Ito lang ang natata­nging tune-up game ng Gilas na inorganisa ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas katuwang ang Malaysia Basketball Association su­balit naging produktibo bago ang tunay na giyera nila.

May 4-4 kartada para sa ikalimang puwesto sa Group E, kailangan ng Gilas na manalo sa Syria bukas at sa Iran sa Linggo.

Tanging ang Top 3 teams lang kada grupo pati na ang best No. 4 team kasama ang Group F ang papasok sa 2027 FIBA World Cup sa Qatar.

FIBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with