^

PM Sports

Hirit sa seremban

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Aarangkada na ang Gilas Pilipinas sa huling hirit para marating ang 2027 FIBA World Cup sa Qatar.

Kumikisay-kisay na pero nagkabuhay sa pag-sweep ng huling qualifying window – 82-81 OT win over Jordan at 68-56 rout ng Iran.

At lalong titibay ang pag-asa kung ma-sustain ang ratsada at muling maka-doble kontra Syria ngayong araw na ito at versus Iran sa Sunday sa Seremban, Malaysia.

Pinakamalaking lineup at malaki ang potential ng Gilas lineup na isasalang ni coach Tim Cone sa penultimate qualifying window.

Bubuuin nina 7-4 Kai Sotto, 6-10 AJ Edu, 6-10 Quentin Millora-Brown, 6-8 Mike Philips at 6-10 naturalized player Bennie Boatwright ang dambuhalang frontcourt.

Ang issue lang eh kung makabuo ng magandang chemistry at balance ang team sa iilang araw na pagsasama para sa Seremban gig.

Kung madale ang Syria at Iran sa away-games na ito, malamang na dale na rin ang WC berth dahil sa homecourt edge sa final qualifying window sa SM MOA Arena sa Cebu.

Final two games ng Gilas ang Jordan sa Feb. 26 at Syria sa March 1.

Pero hindi puwedeng matalisod sa Seremban.

Nakabaon ang Gilas sa No. 5 sa karera sa Top 3 for automatic WC entry mula Group E.

Bandera sa karera ang Australia (8-2), sinsundan ng New Zealand (6-2), Iran (5-3) at Jordan (5-3). Ang problema ng Iran at Jordan, dadaanan pa nila ang mga higanteng Aussies at Kiwis.

Sisirit ba o malilibing sa hukay sa Seremban ang Gilas?

FIBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with