Foxies sa unang PVL Finals
MANILA, Philippines — Ang Farm Fresh ang maghahamon sa nagdedepensang Creamline para sa korona ng 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab Series.
Ito ay matapos dalawahan ng No. 4 Foxies ang No. 1 Nxled Chameleons, 26-24, 25-16, 23-25, 17-25, 15-11, sa kanilang semifinals ‘do-or-die’ match para sa ikalawang finals berth kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Nauna nang tinalo ng Farm Fresh ang Nxled, nagdala ng ‘twice-to-beat’ advantage sa semis, 27-25, 21-25, 25-18, 19-25, 15-13, noong Martes na nagresulta sa kanilang ‘winner-take-all’ game.
Magsisimula ang best-of-three series ng Cool Smashers at Foxies para sa gold medal bukas sa parehong venue.
Lalabanan ng Chameleons ang Choco Mucho Flying Titans sa sarili nilang serye para sa bronze medal.
Kinuha ng Nxled ang 24-22 abante sa first set bago nakabangon ang Farm Fresh sa likod nina Tubu, Ces Molina at Royse Tubino para agawin ang 26-24 panalo.
Itinuloy ng Foxies ang kanilang ratsada sa second set kung saan nila itinayo ang 14-7 kalamangan.
Sa pangunguna ni Fil-Am Brooke Van Sickle ay nakalapit ang Chameleons, kinumpleto ang eight-game sweep sa elimination, sa 14-16.
Ngunit hindi na nagpapigil ang Farm Fresh at muling pinadapa ang Nxled, 25-16, tampok ang service ace ni Tubino para sa kanilang 2-0 lead sa labanan.
- Latest
















