^

PM Sports

Tigers somosyo uli sa liderato

Pang-masa

MANILA, Philippines – Gumana ang kamay ni Kevin Ferrer sa huling yugto para pangunahan ang pagbangon ng UST Tigers mula sa 16 puntos na pagkakalubog sa ikatlong yugto tungo sa 68-58 tagumpay laban sa Ateneo Eagles sa 78th UAAP men’s basketball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tatlong triples sa 11 puntos ang ginawa ni Ferrer sa huling 10 minuto para ibangon ang koponan sa 36-52 iskor bago tumulong sina Ed Daquioag at Karim Abdul upang iwanan ang Eagles para makasalo uli ang Tigers sa liderato sa 4-1 baraha.

“Kev was not feeling well, si Karim 70 percent but they all work hard. Gustong manalo,” wika ni UST coach Bong dela Cruz.

May career high na 27 puntos si Ferrer, tampok ang 6-of-10 shooting, habang sina Daquioag at Abdul ay mayroong siyam at pitong puntos ayon sa pagkakasunod pero  ang offensive rebound at putback ng una ang tuluyang nagbigay ng kalamangan sa Tigers, 59-58.

Natapos ang tatlong sunod na panalo ng Eagles  at nasayang ang 52-36 kalamangan dahil na-outscore sila ng Tigers, 32-6 matapos nito.

Ininda  ng Eagles ang nakakadismayang 1-of-17 shooting sa huling 10 minuto para malaglag sa ikatlong puwesto sa 3-2 baraha.

Nasungkit naman ng nagdedepensang kampeon National University Bulldogs ang ikatlong sunod na panalo sa anim na laro matapos ang 68-52 demolisyon sa UP Maroons sa unang laro.

Si Gelo Alolino ay mayroong 16 puntos at ang 4-of-4 shooting sa 3-point arc sa ikalawang yugto ang nagpalayo sa Bulldogs sa 38-27 habang si Alfred Aroga ay mayroong 22 rebounds upang malimitahan lamang ang Maroons sa isang attempt na dumiskaril sa tangkang pagbangon.

May 12 puntos pa si Aroga para ibigay sa NU ang ika-11 sunod na panalo sa UP na natalo sa ikatlong sunod na pagkakataon matapos ang 2-0 panimula.

NU 68 – Alolino 16, Aroga 12, Salim 9, Tansingco 9, Neypes 7, Javelona 6, Diputado 4, Alejandro 2, Celda 2, Abatayo 1.

UP 52 – Manuel 16, Desidero 10, Dario 8, Lim 5, Asilum 4, Gallarza 2, Jaboneta 2, Longa 2, Moralde 2, Amar 1.

Quarterscores: 19-12, 38-27, 51-43, 68-52.

UST 68 – Ferrer 27, Daquioag 9, Lee 8, Abdul 7, Bonleon 7, Vigil 6, Sheriff 3, Faundo 1.

AdMU 58 – Pessumal 19, Ravena 13, Ma. Niteo 8, Babilonia 5, A. Tolentino 4, Gotladera 3, Apacible 2, Black 2, Pingoy 2.

Quarterscores: 12-9, 26-30, 42-52, 68-58. (AT)

vuukle comment

ABDUL

ACIRC

ALFRED AROGA

ANG

AROGA

ATENEO EAGLES

DAQUIOAG

ED DAQUIOAG

KARIM ABDUL

KEVIN FERRER

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with