^

PM Sports

Malaya hindi binigo ang pagtitiwala ng bayang karerista

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatunayan ng kabayong Malaya na tama ang deklarasyon ng bayang karerista bilang outstanding favorite ito sa Philracom Sampaguita Stakes Race nang dominahin ang 1,800-metro karera kahapon sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Si Jonathan Hernandez ang hinete ng kabayong pag-aari ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos para hablutin ang ikalawang stakes win at ang P900,000.00 premyo mula sa P1.5 milyon na isinahog ng nagtaguyod na Philippine Racing Commission.

Ito ay isa sa tatlong P1.5 milyon races na pinaglabanan sa pagtatapos ng dalawang  araw na pista sa ikatlong racing club sa bansa. Ang PCSO Anniversary Cup at Don Juan Derby ang iba pang malaking stakes races na nakataya kahapon.

Ang winning time ng nanalong kabayo ay 1:49 sa kuwartos na 13’, 23, 23, 23, 26’.

Halos limang dipa ang layo ng pumangalawang Cat’s Diamond bago sumunod na Queen Quaker ni Fernando Raquel Jr., Spring Collection at ang Morning Time ni CV Garganta ang nabugaw sa limang naglaban.

Ang pumangalawa hanggang pumang-apat sa dati-ngan  ay may P350,000.00, P200,000.00 at P150,000.00 gantimpala.

Kinapitalisa naman ng Cat’s Thunder ni John Alvin Guce ang disgrasyang inabot ni Val Dilema sakay ang outstanding Epic para manalo sa 2014 Philracom/KDJM Juvenile Fillies Stakes na pinaglabanan sa 1,400-metro distansya.

 May winning time na 1:24.8 sa kuwartos na 13, 22, 22’, 27, para maiuwi sa SC Stockfarm Inc. ang P300,000.00 unang gantimpala sa P500,000.00 na pinaglabanan.

Pumangalawa ang Shout For Joy na hawak ni Hernandez para sa P112,500.00 kasunod ang Clandestine at Tubbataha Reefs tungo sa P62,500.00 at P25,000.00.

 

vuukle comment

ANNIVERSARY CUP

DON JUAN DERBY

FERNANDO RAQUEL JR.

JOHN ALVIN GUCE

JUVENILE FILLIES STAKES

MANDALUYONG CITY MAYOR BENHUR ABALOS

METRO TURF CLUB

MORNING TIME

PHILIPPINE RACING COMMISSION

PHILRACOM SAMPAGUITA STAKES RACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with