Pelicans dinispatsa ng Thunder, pasok sa semis
NEW ORLEANS — Kumolekta si Shai Gilgeous-Alexander ng 24 points at 10 rebounds para gabayan ang Oklahoma City Thunder sa 97-89 pagsibak sa Pelicans sa Game Four at kumpletuhin ang four-game sweep ng kanilang Western Conference first-round playoff series.
Nag-ambag si Jalen Williams ng 24 points para sa Oklahoma City habang may tig-14 markers sina Josh Giddey at Chet Holmgren.
Sasagupain ng Thunder sa semifinals ang mananalo sa first-round duel ng Los Angeles Clippers at Dallas Mavericks.
Umiskor si CJ McCollum ng 20 points at humakot si Jonas Valanciunas ng 19 points at 13 rebounds sa panig ng New Orleans.
Sa Denver, isinalpak ni Jamal Murray ang isang game-winner sa huling 3.6 segundo para sa 108-106 pagpapatalsik ng nagdedepensang Nuggets sa LA Lakers sa Game Five papasok sa Western Conference semifinals.
Tumapos si Murray na may 32 points, at may 25 points, 20 rebounds at 9 assists si Nikola Jokic sa pagtiklop ng Denver sa kanilang serye ng Los Angeles sa 4-1.
Haharapin ng Nuggets sa semis ang Minnesota Timberwolves na winalis ang Phoenix Suns sa first round.
Sa Miami, kumamada si Derrick White ng career-high 38 points sa 102-88 paggupo ng Boston Celtics sa Heat at ilista ang 3-1 lead sa kanilang Eastern Conference opening-round playoff series.
- Latest