^

PM Sports

TNT maghahabol sa bonus vs Converge

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tangkang makahabol ng Talk ‘N Text sa Top-2 finish at asam na twice-to-beat habang iiwas sa eliminasyon ang Blackwater kontra sa kanilang magkaibang karibal sa umiinit na 2024 PBA Philippine Cup ngayon sa PhilSports Arena sa Pasig.

Kikilatisin ng Tropang Giga (5-4) ang sibak ng Converge (1-9) sa alas-7:30 ng gabi habang biga­ting misyon ang naka­abang sa Bossing (3-6) kontra sa wala pang galos na San Miguel Beer (9-0) sa alas-4:30 ng hapon.

Tabla ngayon sa ikatlong puwesto kasama ang NLEX at Magnolia na may pare-parehong 5-4 kartada, buhay pa ang pag-asa ng TNT na makadikit sa No. 2 na Barangay Ginebra (7-3) para sa huling twice-to-beat advantage.

Nasikwat na ng reig­ning champion Beermen ang siguradong No. 1 seed at ang isa pang win-once bonus sa inaaabangang quarterfinals.

Upang magawa ito ay sasandal ang Tropang Giga sa 108-101 panalo nito kontra sa Phoenix Super LPG noong nakaraang linggo para makahabol sa league-leaders. Ang karibal nilang Converge ay galing naman sa 105-93 kabiguan kontra sa Ginebra.

Sa kabilang banda, bagama’t kailangan ng Bossing na makaiskor ng krusyal na panalo ay hindi nila hawak ang kanilang kapalaran.

Nasa 3-6 ngayon bunsod ng anim na sunod na pagkatalo sa ika-10 puwesto, kailangan ding humiling ng Bossing na mabigo ang kanilang mga karibal na nasa unahan ng standings.

Sa ngayon ay tabla-tabla ang Meralco, Terrafirma at Rain or Shine sa No. 8 seed hawak ang pare-parehong 5-5 kartada.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with