Coach Bo handa na para sa Ateneo
WHETHER YOU LIKE IT OR NAP - Nap Gutierrez (The Philippine Star) - December 5, 2012 - 12:00am

Pabalik na ang Ateneo de Manila Blue Eagles sa Manila galing ng Zamboanga City.

Ready na sila para sa Game 3 ng PCCL finals.

Ready na rin ang UST para sa kanila.

Magandang laban ‘yan sa Biyernes.

***

Mahaba man ang naging prusisyon, kay Bo Perasol din pala ang tuloy. ‘Yan ang naging istorya ng Ateneo Blue Eagles.

Nagkaayos na si MVP at ang Ateneo.

Next year, nakasuporta pa rin si MVP sa kanila.

At si Bo, pormal na ring uupo bilang kapalit ni Norman Black.

***

Napakalaking challenge nito para kay Bo, but he’s ready to face it.

Maraming nawala sa line-up ng Ateneo at key players pa naman. Mahirap punan ang iniwan ni Coach Norman. Five straight years na championship.

Kaya bang gawin ni Bo na 6 straight?

***

“It’s a tough challenge, but I’m ready for that. Lahat naman ng coaches handa sa ganyan, no matter what the odds are. Ateneo has lots of good players in the team B. Marami pa tayong magagamit dun,” sabi ni Bo.

***

Si Bo Perasol ay matagal nang head coach sa PBA.

Magaling na coach si Bo.

Ang kailangan niya lang talaga ay materyales.

It won’t be long before his time to shine will come.

Sa ngayon, mahabang paghahanda ang ginagawa niya for his eventual takeover sa Blue Eagles.

Kapag tapos na ang PCCL, then it’s time for Bo to make his presence felt.

Dahil matindi ang challenge, tiyak na matindi rin ang gagawing paghahanda ni Bo sa training nila.

ATENEO ATENEO BLUE EAGLES BLUE EAGLES BO PERASOL COACH NORMAN MANILA BLUE EAGLES NORMAN BLACK SI BO PERASOL ZAMBOANGA CITY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with