^

PM Sports

NU Pep Squad maraming pagsubok na pinagdaanan

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matikas ang ipinamalas ng NU Pep Squad para masiguro ang ika-10 kampeonato sa UAAP Season 89 Cheerdance Competition noong Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Subalit sa likod ng tagumpay, maraming pinagdaanan ang NU Pep Squad upang makamit ang inaasam na three-peat.

Ayon kay NU Pep Squad coach Gab Bajacan, hindi ma-perpekto ng kanilang team ang mga routines nito partikular na sa mga mahihirap na stunts.

“Ang dami naming struggles with this routine. Since the day na nagkita kami rito sa One ECom for one-week practice, never po talaga kami nakabuo ng routine,” ani Bajacan.

Ilan sa mga miyembro nito ang nawawalan na ng pag-asa.

“Sobrang na-frustrate po ang bawat isa sa amin, kasi alam namin ‘yung need naming standard every time sa practice and hindi namin siya makuha,” aniya.

Subalit sa araw ng kumpetisyon, hindi nakitaan ng pangamba ang NU Pep Squad.

Lumabas ang buong team sa arena bitbit ang tapang at determinasyong madepensahan ang korona nito.

Kaya naman nakahinga ng maluwag si Bajacan nang matapos ang performance ng kanyang team.

“So, nung natapos namin ‘yung routine na as perfect as possible, sobrang happy na kaming lahat, kasi hindi namin ine-expect na mabubuo ‘yung mga stunts na talagang kabadong-kabado kami,” ani Bajacan.

Nakakuha ang NU Pep Squad ng 693.5 puntos para mapanatili ang korona.

Pumangalawa naman ang University of the East Pep Squad na may 664.5 points habang ikatlo ang Far Eastern University Pep Squad na may 647.5 points.

Ang NU Pep Squad na ang winningest team sa UAAP Cheerdance hawak ang 10 korona kasunod ang UP at UST na may parehong walong titulo.

 

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with