^

True Confessions

Ang Magkapatid (19)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PARA mangyari ang kan­yang mga binabalak, nag-aral na mabuti si Ipe. Kahit na nagtitinda ng gulay sa palengke sa umaga at sa hapon ang klase sa public high school, nami-maintain niya ang mataas na grado. Kaya niyang makipagsabayan sa mga kaklase kahit nagtitinda sa palengke. Katwiran niya, makakaya ng sinuman ang lahat kapag mayroon siyang pa­ngarap.

Isang taon na lang at ga-graduate na siya sa high school. Balak niyang kumuha ng Commerce major in Accounting. Noon pa, itong kurso na ito ang gusto niya. Pagsisikapan niyang makatapos. Pipililitin niyang makasama sa top ten ng mga CPA. At kapag naging accountant na siya, dito na magsisi­mula ang mga pagbabago. Makakakuha siyempre siya nang magandang trabaho. Pag-aagawan siya ng mga accounting firm dahil kasama siya sa top ten. Ooperan siya ng mataas na suweldo. Hindi na niya kailangang maghintay ng tawag kung kailan siya iha-hire. Siya mismo ang hahabulin ng mga kompanya.

Kapag nasa maganda na siyang kalagayan, pagtatapusin niya sa pag-aaral si Ada. Kung ano ang gusto nitong course ay tutustusan niya hanggang makatapos. Parang narinig niya noon na gustong maging nurse ni Ada. Babalikatin niya ang pagpapaaral kay Ada. Tutulungan niya nang todo ang kapatid. Hindi niya ito iiwanan hangga’t hindi nagkakaroon nang magandang buhay na kagaya niya. Kapag nangyari iyon, tiyak na matutuwa ang kanyang mama saan man ito naroroon.

Kaya lagi niyang tinutulungan si Ada sa mga aralin nito.

Malaki naman ang tiwala ni Ada sa kanyang kuya.

‘‘Kuya tulungan mo nga ako sa assignment ko sa Math.’’

‘‘Sandali lang at may niluluto ako. Tatapusin ko lang ito.’’

“Hindi ko talaga maintindihan ang subject na ito.’’

“Kaya mo yan. Kasi’y hindi mo pinagbubu­husan ng atensiyon. Lahat naman ay maaari nating pag-aralan.’’

“Hindi ko talaga kaya.’’

“Kasi’y sinasabi mong hindi mo kaya. Basta pag-aralan mong mabuti at makukuha mo ‘yan.’’        (Itutuloy)

vuukle comment

ANG MAGKAPATID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with