^

PSN Showbiz

Hipon girl bibida sa Magpakailanman

Pilipino Star Ngayon
Hipon girl bibida sa Magpakailanman
Herlene

MANILA, Philippines — Totoong kuwento ito ni Jenny na isang OFW na niyaya nang pakasal ng kanyang boyfriend nang madestino siya sa Dubai upang mag-alaga ng isang sanggol na may cerebral palsy.

Naging malapit ang puso ni Jenny sa kanyang alaga na lubos namang ikinahanga ng kanyang guwapong Egyptian boss na si Hany. Nang hiwalayan si Hany ng kanyang first wife, unti-unti silang na­ging malapit sa isa’t isa pero nagkaroon uli ng isa pang asawa ang lalaking amo niya.

Magkakaroon pa kaya ng daan para tuluyang maihayag nina Hany at Jenny sa isa’t isa ang tunay nilang damdamin para sa isa’t isa? Paano na ang boyfriend ni Jenny na naghihintay sa Pilipinas?

Pinagbibidahan ito ng nakilala nating Hipon Girl  sa programang Wowowin na si Herlene Budol. Makakasama pa sina Lotlot De Leon, Vaness Del Moral, Mike Agassi, Euwenn Aleta, Marlon Mance, Ana De Leon, at Joaquin Manansala.

Sa ilalim ng direksyon ni Jorron Monroy, mula sa panulat ni Tina Samson - Velasco at pananalisksik ni Loi Argel Nova.

Abangan ang isa sa anniversary pre­sentations ng Magpakailanman ngayong Sabado, November 30, pagkatapos ng Daddy’s Gurl.

 

vuukle comment

HIPON GIRL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with