Wax ni Pia sa April pa makikita
SEEN: Ang mainit na pagtanggap ng mga Kapampangan kay Bong Revilla, sa kick off rally ng senatoriables na sinusuportahan ng Hugpong Ng Pagbabago sa San Fernando, Pampanga noong Martes. Kasama ni Bong sa rally ang kanyang misis na si Lani Mercado at ang kanilang mga anak. Malakas na palakpakan at hiyawan ang reaksyon ng publiko nang kantahin nina Bong at Lani ang Ikaw.
SEEN: Masaya sa bakuran ng GMA-7 dahil mataas ang ratings ng kanilang mga bagong programa, ang afternoon prime na Inagaw Na Bituin, ang TODA One I Love at ang The Boobay and Tekla Show.
SCENE: Waging-wagi ang tarayan ng mga karakter nina Gladys Reyes at Jaclyn Jose sa TODA… kaya gustung-gusto ito ng televiewers na aliw na aliw sa mga eksena ng dalawa
SEEN: Hindi madali ang taping ng Kara Mia dahil paulit-ulit na kinukunan ang mga eksena nina Barbie Forteza at Mika Dela Cruz. Kailangan din na pareho palagi ang mga damit na suot ng lead stars ng bagong primetime drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa sa February 18.
SCENE: Sa April 2019 ang tentative unveiling ng lifelike wax figure ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa Madam Tussauds sa Hong Kong. Si Pia ang unang Pilipino na magkakaroon ng lifelike wax figure sa Madame Tussauds.
SEEN: Nakiramay si Willie Revillame kay Joey de Leon dahil sa pagpanaw ng 93-year old mother ng Eat Bulaga host.
SCENE: Georgia bound bukas sina Xian Lim at Cristine Reyes para sa shooting ng Untrue. Nauna nang pumunta sa Georgia noong February 9 ang direktor na si Sigrid Andrea Bernardo.
SEEN: Inabot ng dalawang araw ang last taping day ng Cain at Abel. Nagsimula ang taping noong Lunes at natapos ng Martes nang umaga. Mapapanood bukas, ang finale episode ng primetime teleserye nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes sa GMA-7.
- Latest