The How’s at Aldub pinaka-maraming tweet
Agree naman ako kay tito Ed Leon na hindi porke’t pinag-usapan sa social media ay kikita na ang isang pelikula.
Kasama sa most tweeted Filipino movies ang ilang mga sumemplang sa takilya.
Heto ang 2018 Most Tweeted about Filipino Films na kahit ako ay hindi nabalitaan na may pelikula palang Hospicio.
The How’s of Us
Miss Granny
Never Not Love You
My Fairy Tail Love Story
Da One that Ghost Away
Amnesia Love
Hospicio
Ang Dalawang Mrs. Reyes
First Love
Ang Babaeng Allergic sa WiFi.
Actually hindi naman talaga guarantee ang mga issue-issue para mapag-usapan. Imagine ang AlDub ang no. 1 sa 2018 Moss Tweeted about love teams. No. 2 MayWard, DonKiss, LizQuen, KissTon, McLisse, KierVi, JaDine, MarNigo and JoshLia.
Wala sa listahan ang KathNiel samantalang ang pelikula nila ang no. 1 na supposedly ay pinag-usapan.
Karamihan ngayon ay sampalataya na sa social media. Dito na rin ang career ng maraming artista na walang pelikula o TV shows.
Pero ito ang proof na hindi lahat ng nasa social media ay pinaniniwalaan.
- Latest