Direk Cathy minaliit sina Gerald at Pia!
Hindi ko alam kung pinaniwalaan nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach ang pang-iismol na ginawa sa kanila ng direktor ng pelikulang My Perfect You na si Cathy Garcia-Molina.
Pero bumawi siya sa pagsasabing, nagawa niyang mapaarte ang dalawa. Si Pia raw ay nakakawala sa image niyang Miss Universe at si Gerald naman ay maihahalintulad na kay John Lloyd Cruz ang pag-arte.
Paano pa ba sila magagalit sa mga pagbawing ito ni direk Cathy na ang My Perfect You ay itinuturing na isa sa pinakamahalagang ginawa niya bago ang kanyang retirement?
Palabas na ang My Perfect You sa mga sinehan sa March 14.
Anne hindi magpapahinga kahit mabuntis
Hindi buntis si Anne Curtis na tulad ng napapabalita dahil sumasabak pa rin siya sa mga physical challenge na hindi maaring gawin ng isang nagdadalang tao. Kung sakali mang magbuntis siya, mayroon na siyang mga natapos na proyekto na magpapaalala sa kanya sa publiko tulad ng Buy Bust na mas maunang maipalabas sa Cannes Film Festival at ang ginagawa nila ni Dingdong Dantes na Sid and Aya.
Hindi rin siya matetengga sa TV, maaari rin siyang magpatuloy sa pagiging host ng It’s Showtime kahit hanggang sa mga huling linggo ng kung sakali mang pagbubuntis niya.
Mikael gustong malayo kay Megan ‘pag nasa trabaho
Hiwalay at hindi nag-uusap kahit magkasama sa set ng The Stepdaughters ang magdyowang Megan Young at Mikael Daez. Parang hindi sila magkakilala o magkarelasyon dahil kanya-kanya silang aral ng kanilang script.
Hiling ito ng aktor para hindi siya ma-distract sa kanyang trabaho. Marami pa siyang dapat matutunan kaysa sa nobya kaya naiintindihan ito ng mga kasamahan nila at iginagalang ang space na nilikha nila.
Maganda naman ang resulta ng kanilang paraan sa pagtatrabaho. Maganda ang tanggap sa palabas nila at kita ang chemistry.
- Latest