Kathryn pinaghahandaan ang pagkalaos?!
Kung kailan naman siya sikat na sikat at saka naman parang nakakakitaan ng insecurity si Kathryn Bernardo. Biruin mo, kung anu-ano ang naiisip niyang gawin para lang siya may fallback sakali mang bigla siyang mawala sa kanyang pag-aartista ngayon o kaya ay malaos nang wala sa panahon. Narung gusto niyang mag-aral. Gumagawa na rin siya ng recording na I’m sure na isa ring paghahanda para sa kanyang fear.
Kung sabagay walang masama na tapusin niya ang kanyang studies. Iba na nga naman ‘yung may natapos na edukasyon, pero sana gawin niya hindi sa ganitong kadahilanan. Sana gustuhin niyang makatapos dahil iba ang may pinag-aralan hindi dahil baka mawala siya bigla sa showbiz.
Sikat na sikat sila ni Daniel Padilla. Kung malalaos siya, hindi pa ngayon, matatagalan pa. At kung mangyari man ito, siguro naman ay nakaipon na siya ng magagamit niya sa ibang bagay tulad ng negosyo. Pero huwag muna niyang isipin ang pagka-laos. This will come in a long, long time pa. I-enjoy na lang muna niya ang kasikatan niya at huwag mag-isip ng anumang kanegahan. Okay ba, Kathryn?
Sharon dapat tularan ang katatagan ni KC
Grabe rin naman ang mid-life crisis na pinagdaanan ni Sharon Cuneta. Sana nga dumaan na rin ito sa kanya para makapagsimula na siyang muli. Isipin na lamang niya na dumaraan ito sa lahat, mapa-babae man o lalaki at kung hindi niya ito mahaharap nang maayos, talagang mas lolobo pa siya at baka pumutok na sa katabaan.
Isipin din na lamang niya na nakakalamang siya sa napakaraming dumaraan din sa ganitong sitwasyon. ‘Yan naman ay parang isang sakit na maaring gamutin. Hindi naman ito isang kanser na wala nang lunas. Tama na gawin niyang motivation ang kanyang pamilya na palaging nasa tabi niya para alalayan siya.
She should be stronger than her daughters, lalo na si KC Concepcion na nagpapamalas ng katatagan amidst all the intrigues and controversies na dumarating sa kanya ngayon. Dapat siya ang umaalalay sa anak niya at hindi niya ito magagawa kung mas nangangailangan din siya ng pag-alalay. Get on your feet Megastar!
- Latest