^

Punto Mo

Tres Queridas (72)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NARITO na si Arthur!” sigaw ng isa sa mga bantay patungo sa itaas.

Sa itaas na palapag, bumukas ang pinto ng opisina. Lumabas si Carlo, suot ang mamahaling dark button-down shirt, kalmado at puno ng kumpiyansa ang tindig habang nakatingin sa ibaba.

“Iakyat n’yo na ang bag,” utos ni Carlo, malamig at kampante ang boses na umaalingawngaw sa tahimik na bodega. “At siguraduhin mong tagumpay ang misyon sa ospital, Arthur. Ayokong may—”

Natigilan si Carlo nang mapansing hindi guma­galaw ang lalaking nakayuko sa gitna ng sahig. Bago pa man makabunot ng baril ang dalawang bantay sa ibaba, isang malamig at matalim na boses ang bumasag sa katahimikan mula sa itaas:

“Kung hinihintay mo ang balita mula sa ospital, Carlo... ako na mismo ang magsasabi sa ‘yo.”

Nanigas ang katawan ni Carlo. Dahan-dahan siyang tumingala sa itaas ng bodega, at kasabay ng pagtutok ng mga tactical flashlights at laser, nakita niya sina Celeste at Diana na naka­tayo sa gilid, nakatutok ang mga baril diretso sa kanyang dibdib.

“Palpak ang pagpapapatay mo sa daddy ko,” patuloy ni Celeste, walang bakas ng pangi­nginig sa boses. “Ubos na ang mga tauhan mo. At ngayon, wala ka nang matatakbuhan.”

Sa ilalim ng nakasisilaw na sinag ng mga tactical flashlights at pulang tuldok ng mga laser na nakapako sa kanyang dibdib, nanatiling nakatayo si Carlo. Walang bakas ng takot sa mukha. Dahan-dahang itinaas ang magkabilang kamay at sa gitna ng nakabibinging kata­himikan, naka­ki­kilabot na ngiti ang unti-unting sumilay sa kanyang mga labi.

“I’m so proud of you, Celeste,” kalmadong bati ni Carlo. “Hindi na ikaw yung spoiled brat na prin­sesang pinakasalan ko.”

Humigpit ang hawak ni Celeste sa gatilyo ng baril.

“Pero kilala kita,” pa­tuloy ni Carlo, hindi man lang kumukurap habang nakatitig sa itaas. “Hindi ka mamamatay-tao. At pa­reho nating alam na hindi mo kakalabitin ang baril na ‘yan.” (Itutuloy)

TRES QUERIDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with