Mag-asawa niratrat ng mag-utol: Mister todas
DOLORES, Quezon, Philippines — Patay ang isang mister habang malubhang nasugatan ang kanyang asawa makaraan silang pagbabarilin ng isang magkapatid sa Sitio Balete, Barangay Sta. Lucia, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Jonathan Gaurano, 33-anyos, tricycle driver habang malubhang nasugatan ang misis nitong si Rhealou, 25, account officer ng Card Bank. Batay sa imbestigasyon, dakong alas-8:30 ng gabi ay inihahanda na mag-asawang Gaurano ang kanilang higaan upang matulog nang tawagin sila mula sa labas ng kanilang bahay ng magkapatid na suspek na sina Joal at Christian Baquiran, mga residente ng Barangay Kinabuhayan.
Nang sumagot si Jonathan sa tawag ay bigla na lang silang pinaulanan ng bala ng mga suspek gamit ang hindi pa natukoy na kalibre ng baril saka mabilis na nagsitakas.
Tulung-tulong namang isinugod ng kanilang mga kapitbahay ang mag-asawa sa San Pablo District Hospital sa Laguna subalit idineklarang dead-on-arrival si Jonathan habang patuloy na inoobserbàhan si Rhealou.
- Latest