12-anyos pinilahan ng mga adik sa sementeryo
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Tulala at hindi pa makausap ang 12- anyos na dalagita matapos itong pilahan at gulpihin ng mga hindi kilalang adik sa tabi ng bakod ng sementeryo sa Purok 4 Barangay Basud sa bayan ng Malilipot, Albay noong Martes ng madaling araw.
Naka-confine na sa Bicol Regional Training and Teaching Hospita ang biktimang itinago sa pangalang Judy ng nasabing bayan.
Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-8 ng umaga nang matagpuan ng ilang trabahador sa construction site ang duguang biktima na walang saplot sa ibabang bahagi ng katawan sa tabi ng bakod ng Malilipot Catholic Cemetery.
Kaagad itong isinugod sa ospital kung saan lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na madaling araw pa nang nagpaalam sa kanyang mga magulang ang biktima para magsimbang gabi subalit hindi na ito nakauwi.
Posibleng hinatak umano ito ng mga durugista patungo sa madilim na bahagi ng sementeryo malapit sa construction site saka pinilahan at ginulpi.
Sa pag-aakalang napatay ang biktima ay iniwan na ito ng mga rapist.
- Latest