5 bulagta sa bakbakan
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Napatay ang apat na rebeldeng New People’s Army (NPA) at isang sundalo ng Phil. Army makaraang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng militar at mga rebelde sa liblib na bahagi ng Sitio Matabang, Barangay Taocanga sa bayan ng Manay, Davao Oriental kahapon ng umaga. Sa ulat na nakarating kay Captain Alberto Caber, hepe ng Regional Public Affairs Office ng AFP, naganap ang bakbakan dakong alas - 8:30 ng umaga makaraang makatanggap ng impormasyon ang Army’s 67th Infantry Battalion na may mga armadong grupo na nangingikil sa mga residente. Napilitang umatras ng mga rebelde dahil sa higit na malakas ang puwersa ng mga sundalo kung saan napatay ang apat na NPA. Narekober sa encounter site ang  dalawang M16 rifle, AK47 rifle, M14 rifles, tatlong landmines, cellphone at mga subersibong dokumento.

BARANGAY TAOCANGA CAPTAIN ALBERTO CABER DAVAO ORIENTAL INFANTRY BATTALION MANAY NAPATAY NEW PEOPLE REGIONAL PUBLIC AFFAIRS OFFICE SITIO MATABANG
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with