^

Police Metro

‘Feelings’ ni FL Liza, walang kinalaman sa trabaho ko! - VP Sara

Mer Layson - Pang-masa
�Feelings� ni FL Liza, walang kinalaman sa trabaho ko! - VP Sara
Photo from the Instagram page of Tourism Secretary Christina Frasco shows Vice President and Education Secretary Sara Duterte with First Lady Liza Marcos during a gathering of women Cabinet members in 2022.
STAR / File

MANILA, Philippines — Tanggap umano ni Vice-President Sara Duterte ang naramdamang sama ng loob at galit sa kanya ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos.

Para kay VP Sara, wala naman kasing kinalaman sa kanyang mandato bilang isang opisyal ng pamahalaan ang ‘personal feelings’ ng Unang Ginang.

Ito ang sinabi ni VP Sara sa isang video message kasunod nang kontrobersiyal na panayam sa Unang Ginang kung saan inamin nito na masama ang kanyang loob sa una matapos na tawagin ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang asawa na “bangag” o high on drugs.

“Mga kababayan, bilang tao, karapatan ni Unang Ginang Liza Marcos na makaramdam ng sama ng loob at galit. Subalit ang kanyang personal na damdamin ay walang kinalaman sa aking mandato bilang isang opisyal ng pamahalaan,” ayon kay VP Sara.

Matatandaang, sa panayam ng “Tune in kay Tunying” online program sa Unang Ginang, sinabi nito na si VP Sara ay “bad shot” sa kanya maliban na lamang kung mag so-sorry ito.

Ito’y matapos na sabihin ni Unang Ginang Liza na na-offend siya nang makita niyang tumawa si VP Sara sa naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ama ni VP Sara sa isang rally sa Davao City nito lamang huling bahagi ng Enero para kontrahin ang pagsisikap na amiyendahan ang1987 Constitution.

Sinabi pa ng dating Pangulo na si Pangulong Marcos ay nasa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency, na kaagad namang itinanggi ng ahensiya.

Sinabi ni VP Sara na maraming ibang mas mala­king problema ang dapat na pinagtutuunan ng pansin at nireresolba ng gobyerno kabilang na ang malaganap na illegal na droga sa bansa.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with