^

PSN Palaro

Paalam Roach? Buboy tatayong trainer ni Pacquiao vs Matthyse

Pilipino Star Ngayon
Paalam Roach? Buboy tatayong trainer ni Pacquiao vs Matthyse
Una silang nagsama noong 2001 para sa unang laban ni Pacquiao sa Amerika laban kay Lehlo Ledwaba.
AP file

MANILA, Philippines – Sa pagbabalik ni Manny Pacquiao sa gitna ng ring sa Hulyo, marami ang makapapansin na may kakaiba sa kaniyang korner.

Makalipas ang halos dalawang dekada ay mawawala si Freddie Roach sa korner ni Pacquiao upang gabayan siya sa kaniyang laban kay Lucas Matthyse sa Huly 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang kababata ni Pacquiao na si Buboy Fernandez ang tatayong chief trainer ng eight-division champion at kinumpirma naman ito ng adviser ng Pinoy boxer na si Mike Koncz.

BASAHIN: Pacquiao-Matthysse kasado na!

“That’s Manny’s choice,” wika ni Koncz kay Dino Maragay ng Philstar.com.

Si Roach ang nakasama ni Pacquiao nang akyatin niya ang rurok ng tagumpay sa boxing, kabilang ang pagkumpleto sa walong titulo sa magkakaibang weight division.

Una silang nagsama noong 2001 para sa unang laban ni Pacquiao sa Amerika laban kay Lehlo Ledwaba.

Sabay naabot ng dalawa ang tagumpay kung saan ilang beses ding kinilalang Trainer of the Year si Roach.

Napabalitang nagkaroon ng hindi pagkakasundo sina Roach at Pacquiao noong laban nila kay Jeff Horn sa Australia nitong nakaraang taon kung saan natalo ang fighting senator.

“I believe he (Pacquiao) will give Buboy the chance to prove himself after all these years,” sabi ni Koncz.

vuukle comment

BOXING

FREDDIE ROACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with