Pacquiao-Matthysse kasado na!
(Pilipino Star Ngayon) - April 3, 2018 - 12:17pm

MANILA, Philippines – “Signed, sealed, and delivered.”

Ito ang pahayag ni boxing legend Oscar dela Hoya tungkol sa bakbakan sa pagitan nina Manny Pacqcuiao at Lucas Matthysse sa Hulyo.

Si dela Hoya ang promoter ni Matthysse na nag-asikaso sa WBA welterweight title match na gagawin sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Hindi naman tiyak kung kasama si Bob Arum ng Top Rank Inc. sa pag-aayos ng laban sa Hulyo 15.

Nauna nang sinabi ni Pacquiao na tapos na ang kontrata niya sa Top Rank kaya naman ang kaniyang MP Promotions ang nakipag-usap sa Golden Boy Promotions.

Hulyo 2017 nang huling lumaban si Pacquiao na natalo kay Jeff Horn sa Australia.

Inaasahang maglilibot sa iba’t ibang bansa sa Asya, kabilang ang Pilipinas, sina Pacquiao para sa kanilang promotional tour.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with